Canned Thoughts


September 30, 2007, 1:21 am
Filed under: Uncategorized

Sa kwarto kong labing-isang dangkal ang haba

Lima ang Bintana

Dilaw ang Dingding

Kulay puti naman ang ceiling

Bintilador, TV, at cabinet

Na sa loob ay puno ng damit and gamit

Playstation na Pang Aliw

Speakers para sa tenga kong baliw

Manipis sa mattress, aking higaan

Masasayang panaginip, aking inaabangan

Malambot kong unan, sa may ulonan

Sumasalo sa mga problema kong tangan

Sa aking Munting mundo

Sa aking munting kwarto

Ako ay walang kaba

Kung saan ako ay nag-iisa



Basahan
September 30, 2007, 1:13 am
Filed under: Weblogs

Nais kong hugasan ang

narumihang basahan,

Na puno ng sugat at dumi,

pait at pighati.

Gusto kong muling pumuti

ang tela na ngayon

ay puno ng bahid ng galit,

poot, at lungkot.

Gusto kong makalimot.

Gusto kong magpatawad.

Patawarin at kalimutan,

Sanhi ng maruming basahan.